Skip to main content
  • On this page

Download

About the OAIC - Filipino (PDF, 141 KB)
Last updated: 10 January 2025
Kung kailangan mo ng karagdagang tulong sa isang wika na iba pa sa Ingles, tawagan ang Translating and Interpreting Service (TIS National) sa 131 450 at pagkatapos ay hilingin ang 1300 363 992.

Ang Office of the Australian Information Commissioner (OAIC) ang independiyenteng pambansang regulator para sa pagkapribado at kalayaan ng impormasyon.

Itinataguyod at ipinagtatanggol namin ang iyong karapatang maka-access sa impormasyong hawak ng pamahalaan at maprotektahan ang iyong personal na impormasyon.

Kalayaan ng impormasyon

Ang Australian Freedom of Information Act 1982 (FOI Act) ay nagbibigay sa iyo ng legal na maipapatupad na karapatang maka-access sa mga dokumentong hawak ng Pamahalaang Australya at mga ahensya at ministro ng Norfolk Island. Maaari mong gamitin ang karapatang pag-access na ito upang suriin kung kumpleto at up to date ang iyong personal na impormasyon, upang alamin pa ang tungkol sa isang desisyon ng pamahalaan, o upang lumahok sa isang talakayan tungkol sa patakaran o regulasyon ng pamahalaan.

Inaatasan din ng FOI Act ang mga ahensya ng pamahalaan na maglathala ng impormasyon. Sa ilalim ng Information Publication Scheme, ang mga ahensya ay dapat maglathala ng impormasyon sa kanilang mga website na nagpapaliwanag ng kanilang organisasyon at kung paano sila gumagawa ng mga desisyon na makakaapekto sa iyo. Ang mga ahensya at ministro ay dapat maglathala ng impormasyong inilabas bilang tugon sa mga kahilingan sa kalayaan ng impormasyon (freedom of information o FOI) sa isang tala ng pagsisiwalat.

Paano ka matutulungan ng OAIC

  • Mga Review: Kung hindi ka sumasang-ayon sa isang desisyon na ginawa ng isang ahensya ng pamahalaan sa ilalim ng FOI Act, maaari mong hilingin sa ahensya na suriin ang kanilang desisyon. Maaari ka ring mag-aplay sa OAIC na suriin ang desisyon kung hindi ka nasisiyahan sa tugon ng isang ahensya o ministro.
  • Mga Reklamo: Maaari ka ring magreklamo sa OAIC kung mayroon kang mga alalahanin kung paano pinangangasiwaan ng isang ahensya ang iyong kahilingan sa FOI o anumang iba pang aksyong ginawa sa ilalim ng FOI Act.

Pagkapribado

Pinoprotektahan ng Australian Privacy Act 1988 ang 'personal na impormasyon'. Ito ay impormasyong nagpapakilala sa iyo o makakakilala sa iyo, kabilang ang iyong pangalan, address, mga medikal na rekord, mga detalye ng bank account, mga larawan at kahit na impormasyon tungkol sa mga gusto mo, iyong mga opinyon at kung saan ka nagtatrabaho.

Kinokontrol ng Privacy Act ang pangongolekta at pangangasiwa ng personal na impormasyon, kabilang ang paggamit at pagsisiwalat nito, ang katumpakan nito, kung gaano ito ka-secure at ang iyong karapatang ma-access ang impormasyong iyon.

Nalalapat ang Privacy Act sa Pamahalaan ng Australia, mga ahensya ng gobyerno sa Norfolk Island at ilang pribadong sektor na organisasyon. Nalalapat ang ilang mga exemption, kabilang ang para sa maliliit na negosyo. Hindi saklaw ng Batas ang mga ahensya ng gobyerno ng estado at teritoryo. Nalalapat ang mga espesyal na panuntunan sa pamamahala ng tax file numbers.

Paano ka matutulungan ng OAIC

  • Mga Reklamo: Kung sa tingin mo ay nagkaroon ng pakikialam sa iyong personal na impormasyon, kailangan mo munang magreklamo sa organisasyon o ahensya. Kung, pagkatapos ng 30 araw, wala kang tugong natanggap o hindi ka nasisiyahan sa tugon, maaari kang magreklamo sa OAIC. Isasaalang-alang namin ang iyong reklamo at maaaring sikaping lutasin ito sa pamamagitan ng pagkakasunduan. Maaaring kabilang sa mga resulta ang paghingi ng paumanhin, pagbabago sa mga gawi o pamamaraan ng organisasyon, o kabayaran para sa pagkaluging pinansyal o hindi pinansyal.

Makipag-ugnayan sa OAIC

Website

oaic.gov.au

Para sa pagtatanong sa telepono

1300 363 992 (sa loob ng Australya)
+61 2 9942 4099 (sa labas ng Australya)

Ang linya ng pagtatanong sa OAIC ay bukas mula Lunes hanggang Huwebes sa 10 am hanggang 4 pm (AEST/AEDT).

Upang makipag-usap sa isang tao sa iyong wika, tawagan ang Translating and Interpreting Service (TIS National) sa 131 450 at pagkatapos ay hilingin ang 1300 363 992.

Matutulungan ka ng National Relay Service (NRS) kung ikaw ay d/Deaf o nahihirapan kang makarinig o makipag-usap sa mga tao sa telepono.

Para sa isang online na pagtatanong

Magsumite ng form ng pagtatanong

Post

GPO Box 5288
Sydney NSW 2001

Fax

+61 2 6123 5145

Kung sinisikap mong makipag-ugnayan sa ibang ahensya o ministro ng Pamahalaan ng Australya, mangyaring bisitahin ang Direktoryo ng Pamahalaan ng Australya.